Saturday, November 19, 2011

30 minutes or less


kapapanood ko pa lang ng movie na ito.  simple lang ang story pero maganda.  pinanood ko ung movie na ito kasi kay jesse eisenberg.  super cute kasi niya at very talented.


ang movie na ito ay tungkol sa isang pizza delivery boy (jesse eisenberg) na kung saan ay kinidnap siya ng dalawang kriminal (danny mcbride & nick swardson) at nilagyan siya ng 'bomb vest' para siya ang magnakaw ng $100,000 sa bangko para gamitin ng dalawang kriminal para ipapatay si major (fred ward).  humingi siya ng tulong sa kanyang kaibigan (aziz anzari) para sila ay magnakaw.  maganda ang flow ng komedi sa buong movie.


una ko syang na-notice sa 'the social network' kung saan ay nakatanggap siya ng kanyang unang 'oscar' nomination.


ayon sa wiki-page na tungkol sa kanya ay isa siyang american actor na ipinanganak noong october 5, 1983 na nanirahan at lumaki sa new york at new jersey.


una siyang nakilala sa tv series na 'get real' noong 1999 pero nagsimula siya sa isang off-broadway play na 'the gathering'.


siya rin ang gumanap ng boses kay blu sa animated movie na 'rio'.  may mga movies pa siyang darating sa susunod na mga taon at aabangan ko ang mga iyon.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...