Monday, March 31, 2014

you who came from the stars


mula nang magsimula akong magturo sa isang korean school, lalo akong namangha sa mga korean tv shows.  ang pinapanood ko ngayon ay ang 'you who came from the stars'.  bago lang ito.  nagsimula ito last year at katatapos lang kamakailan.  ang mag bida ay sina kim soo hyun (grabe! super cute nya!  lalo na ang kanyang smile!  very charming and adorable...), jun ji hyun, park hae jin (shocks! super handsome! he's my type!) at yoo in na.

kakaiba ang story, isang alien (kim soo hyun) na na-in-love sa korean actress (jun ji hyun).  somehow, may powers si alien at nagtatrabaho sya bilang professor.  kasisimula ko pa lang panoorin.  episode 1 pa lang me.  slightly interesting ang story pero ang dami kasing gwapo, kung kaya't panoorin ko ito hanggang matapos...

below, ay ang shower scene ni kim soo hyun...  kakaloka!  bakit may towel???  dahil alien sya???  bakit hindi boxer briefs or shorts???  ang dami kong tanong...  basta gwapo sya!  yun na yun!  tanggapin ko na lang...  pasalamat na lang ako!




















Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...