kapapanood ko lang ng praybeyt benjamin ngayon... grraaabeee... as in... grabe talaga.... o... m... g... omg... omg... lumuwa ang mga mata ko sa kagwapuhan ni derek ramsey... shaaaksss... isa pang omg...
ang dami kong nasaytsung sa pelikulang ito... omg ulit... ang daming men... wala akong masabi...
sa totoo lang, daig pa nito ang mga gay indie films na napanood ko... dkl (diyos ko lord!)...
nanood ako sa blue wave marquinton, dito sa marikina. tuwing lunes at martes kasi, libreng manood ng sine ang mga senior citizens dito pero dalawang pelikula lang at ung unang showing lang ang pwedeng pasukan.
hindi ako ang senior, kundi ang father ko. niyaya nya akong manood, kaya lang ako may bayad na p150. naisip ko bakit ang mahal kaya lang matagal din naman na akong hindi nanood ng sine, so ok lang. nandun na rin naman kami. so, go na.
alam ko komedi kasi si vice ganda. kaya lang ang tindi ng mga scenes lalo na ung mga shower scenes. grabe talaga... may mga naririnig akong mga nagsabi -- 'aay, nakaumbok'. o my gulay! tapos may scene na kita ung pwet ng guy. diyos ko! akala ko nung una si carlos agassi, un pala hindi... sayang...
kilig na kilig ako habang nanonood. naiilang lang ako kasi kasama ko ang father ko. halos hindi ako mapakali sa pagkakaupo ko. e tapos, puro senior pa ang mga nanonood. punung-puno ung sinihan.
feeling ko nga parang nagtataasan na ng mga kilay ung mga senior at napakatahimik nung loob ng sinehan kapag may sweet na moments sina vice at derek. o di ba! first name basis na kami... bongga!
super sexy ni derek dito... litaw na litaw ang kagwapuhan niya dito... cute din si kean cipriano... at very pretty si nikki valdez... may appearance din si luis manzano pero di ko sya gaanong bet kasi parang may iba sa aura nya...
pero iba talaga ang dating ni derek ramsey... bet na bet ko ung balbas niya... kaysa kapag clean shave siya...
super recommended ang movie na 'to mga 'teh...
naku! kapag lumabas ito sa dvd... bibili ako at pauli-ulit ko itong panonoorin...
bago ung movie, ipinakita ung trailer ng movie ni sarah geronimo at gerald anderson. kaya lang mas bet ko si john lloyd na ka-love team ni sarah. i like john lloyd much more than gerald. un lang ung akin.
pinakita din ung movie na tambalan ni vic sotto and ai ai. i love ai ai, kaya aabangan ko un sa pasko...